Ano’ng kwentong Aklatan mo?

𝗠𝗴𝗮 𝗶𝘀𝗸𝗼, 𝗶𝘀𝗸𝗮, 𝗮𝘁 𝗴𝘂𝗿𝗼, 𝘁𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮’𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗸𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗼𝗿 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗶𝗱𝗲𝗻 𝗶𝘀𝘀𝘂𝗲 𝗻𝗴 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 𝗻𝗲𝘄𝘀𝗹𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿! 𝗧𝗲𝗸𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗿𝗲𝗴𝗮𝗹𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮?
 
Ikuwento ang iyong mga karanasan sa Main Library at sa mga college library units nito! Mapasaang reading room o silid-aklatan ka man sa kampus nag-aaral, nagtatrabaho, nakikipagpulong, o tumatambay, interesado kami sa iyong kuwento! Ang mga mapipiling kuwento ay isasama sa ilalathalang newsletter ng University Library sa kauna-unahang pagkakataon! Hindi lang ‘yan, ang mga mapipili ay bibigyan din ng library merchandise! Ano kaya ‘yon?
 
Mga tuntunin sa pagsusulat:
 
1. Ito ay para lamang sa mga kasalukuyang mag-aaral at guro ng UPLB.
2. Maaaring gumamit ng wikang Ingles o Filipino ang manunulat.
3. Limitado ang sulatin mula 150 hanggang 300 na salita.
4. Isama sa pahayag ang tungkol sa serbisyo, pasilidad, at/o resources na iyong naranasan sa University Library o iba pang college library units ng UPLB.
5. Iwasang gumamit ng mga hindi etikal na salita o pahayag.
 
Isumite ang iyong piyesa sa https://bit.ly/kuwentongaklatan2024 o i-scan ang QR code sa ibaba 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟴 𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼, 𝗶𝗸𝗮-𝟵 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮.
 
Ang mga mapipiling contributor ay makatatanggap ng email mula sa Publication Committee ng University Library. Para sa iba pang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa [email protected] na may subject na “Ang Kuwentong Aklatan Ko”. Maligayang pagsusulat!